Biyernes, Hunyo 12, 2015

An Isinay's Account on the Katipunan

Pagsasalarawan ng Araw ng Kalayaan sa Limang Piso





SA PAGDIRIWANG ng ika-117 taon ng Araw ng Kalayaan (Philippine Independence Day) kahapon ay napanood ko sa TV ang mga naka-sombrero at kakaiba ang suot na mga tanod sa dambana ni Jose Rizal sa Luneta (na ang tawag noong una ay Bagumbayan).

Ayon sa anawnser, sambalilo at uniporme raw yun na hinango mula sa kasuotan noong himagsikan ng mga Katipunero na siyang nanguna sa pagpapalaya sa bansang Pilipinas sa pang-aapi ng mga Espanyol.

Habang nanonood ay nagkataong hawak ko ang librong Isinay Texts and Translations ni Ernesto Constantino na kung saan aking itinutuloy ang paghango ng mga salitang Isinay na wala pa sa aking ginagawang diksyunaryo.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon: Tamang-tama na ang pahina ng nasabing libro na aking kinukutuhan (kada may patalastas o kaya'y di ako interesado sa dinadakdak sa TV) ay nasa Isinay Personal Narratives at ang talambuhay na aking binabasa ay may binabanggit tungkol sa Katipunan.

Ang bahaging iyon ng libro ay bukod-tangi dahil siya lamang ang may binabanggit tungkol sa Katipunan. Ibig sabihin, maski pala napakalayo noon ng Kaisinayan sa gitna ng Rebolusyon laban sa mga Kastila, inabot din pala ang aming bayan ng mga pagkilos ng Katipunan!

Verbatim at phonetical na isinalin ni Dr. Constantino mula sa naka-tape na pagkukwento sa wikang Isinay Dupax ni Apu AMBROSIO PATING Y UMAMOS at may petsang 1981-12-28, eto ang mga talata na kung saan dinaplisan ang Katipunan:

Saon si Ambrosyo Pating i Umamos. Ni-anaa^ si taw-onar mil otso siyentos otsentay dos. Siriyen a-unga^, man-oha' tay, sinalsalinwana' ira Ama on si Ina. Ot aytu, e, inloova^ si eskuwela, si aytu eskuwelan Espanyol sirin poto^. Ot nan-eskuwela' si pitun taw-on si eskuwela miyar an sitiyen Dupaks, Nuweva Biskaya. Ot pingsaneyan dimmatong di apituwar an taw-on ya ahayhayana' an iyoy Manila i Ama', mu war kuwartar an inamung na an masewen liman lasus an pesos ot nayir toy dimmatong di Katipunanar. Ot dimmatong di Katipunanar. Pingsaneyan dimmatong di Katipunanar ya nayir mos di kuwartar an inamung da Ama i Ina an masewen liman lasus. Ot besan ya' war inappiyan di Katipunanar dari situ beveyoy Dupaks ot ginarilya ra ot sinamsam da ri lom-anar an pambilay sitiyen beveyoy. Pingsaneyan navus diye an nasamsam, kabayu dari, nuwang, bavuy, manu^. Lom-anar an ilan da an pantahu, ineya ra lom-an, pahoy, ta andiyen kasangkapan. Alimbawa sa-on, ya' ineya ra ri sanwal uwar dari, eeng, kamiseta. Maserotar dari an eeng, ineya ra dira. Lom-anar an pambilay, ya' ineya ra. Kabayuwar dari, ineya ra lom-an. Pahoy, inavansen da. Ot pingsaneyan, ay, navus diye, siya an inappiya ra ya dimmatong si opat an taw-on ya dimmatong di Amerikanowar dari situ Dupaks, an amung nira'da si aytu Pilipinasa an nanggera pay lat Pilipinasar.

Pansinin na ginawa kong bold ang mga salitang dinaplisan ang Katipunan.

Two-edged sword kung baga ang puntirya ko diyan: Una, dinaplisan as in di gaanong natumbok. At pangalawa, dahil ang kuwento ni Apu Ambrosio ay konting patama sa mga kasapi ng Katipunan na namayagpag noon sa bayan ng mga Isinay.

Para higit na maunawaan ng mga di nakakaintindi ng wika naming Isinay, eto ang English translation ni Dr. Ernesto Constantino sa nasabing talata:

I am Ambrosio Pating y Umamos. I was born in the year one thousand eight hundred eighty-two. When I was a child and I was still small, my father and mother took care of me. And they sent me to school, a Spanish school in the beginning. I went to school for seven years in our school here in the town of Dupax, Nueva Vizcaya. When the seven year came, my father wanted to send me to Manila, but the money that he saved of more than five hundred pesos was gone because the Katipunan [soldiers] came. When the Katipunan came, the money which my father and mother had saved of more than five hundred pesos was already gone. Now, what the Katipunan did in the town of Dupax was to raid it and seized all the means of livelihood in this town. When they had finished commandeering, horses, carabaos, pigs, chickens... All that they saw that were for subsistence, they got all, rice, and any personal belongings. They ordered all personal belongings to be taken. For example, myself, they took my trousers, clothes, undershirts. They took the beautiful clothes, they took them. All means of livelihood, they took. The horses, they took them all. Rice, they confiscated. When what they did was finished, the Americans came here in Dupax as if to help the Philippines and to wage war also against the Philippines.

By the way, the above narration of Apu Ambrosio is the opening paragraph of his autobiographical contribution to the book Isinay Texts and Translations. 

The paragraph that followed it described his recollection of the arrival of Americans in Dupax ("kabalyeros an Amerikano on atatah-oy an kabayu... sindarwan baril on revolber di Amerikanowar dari an dimmatong situ Dupaks... siriyen taw-on mil nuweve siyentos... buwen si Novyembre...") but included, again, something on the Katipunan:

"...bayaw ot diyoy la ri Katipunanar dari an mangab-avansen sitiye beveyoyar dari Dupaks on kompormen beveyoy." (But the Katipunan who were commandeering goods in the town of Dupax and other towns were still there.)

I have yet to research who the Katipuneros that marauded the Isinays of their horses and carabaos and pigs and chickens and rice and clothes he referred to were at the time. But if this revelation by Apu Osyo^ means something, it could be that he did have a genuine axe to grind against the Katipunan guys who operated in Dupax in the late 1890s.

Pwedeng idagdag diyan na noong una pa man ay marami nang kabayo, kalabaw, baboy, manok, palay at damit ang mga kalahi kong Isinay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento