Linggo, Disyembre 2, 2012

Karanasan sa Paghahanap ng mga Nawawalang Salita sa Wikang Isinay (4)

Tagahawak ng mga Nalimutan ng Isinay


SUMUNOD NA pinuntahan ko ang talagang pakay ko sa aking paglalakad sa araw na ito. Si Ginoong Guillermo A. Calacala Jr., isang magsasaka sa may Dalihan-Tueng-Palobotan.

Upang marating ko siya, kailangan munang tumawid ako ng ilog at bagtasin ang mahahaba, makikitid, at malambo-lambot pang pilapil. Ilang beses din akong kamuntikmuntikan nang madulas sa pilapil. Kaya tuloy nasambit ko sa sarili: Walanghiya... dalasdalasan mo kasi ang pag-uwi para masanay ka uling maglakad sa bukid!

Abalang-abala sa pag-aararo si Uwa Junior noong makita ko siya. Kung di ko pa siya inimikan ng "ang lawak pala ng palayan mo" sa Isinay, di niya ako napansin. Doon ko lang napagtanto na kailangan talaga ang konsentrasyon kung ikaw ay nag-aararo, at kung hindi ay baka lilihis sa landas ang iyong araro at baka lalampas pa ang humihilang kalabaw sa ibang pilapil.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento